Monday, September 30, 2013

Katotohanan


Nais kong magsusulat ng katotohanan ngunit di ko magawa. Sa tuwing susubukan, hindi ko masisimulan. Dahil magsisimula na namang hiwain ang aking dibdib. At wala na akong magawa kundi humagulgol sa iyak.

Totoo naman ang sinasabi nila. Ang katotohanan ay magbigay sa iyo ng katatagan. Ito ay magpapalaya sa iyo sa mga bagay na hindi ka mapakali. Sinubukan kong paniwalaan iyon. Sinubukan kong harapin at tanungin siya, hihingin ang katotohanan. Hindi ako nabigo, sinabi siya sa akin. Ang hindi ko maintindihan, bakit parang may kung anong sakit sa aking dibdib. Akala ko ba mapapalaya ako, akala ko mawawala ang hinala ko. Pero bakit naging malubha ang aking kalagayan. Sumasakit ang aking dibdib, mas lalo akong hindi mapakali, hindi makatulog. Sa bawat araw na lang, bawat oras, bawat minuto at segundo, ang katotohanan ang laman sa aking isip. Kasama na doon ang mga tanong. Bakit niya nagawa iyon? Paano niya ginawa sa akin ito? Bakit pinili niya akong saktan?

Nakakainis naman, ganoon ba talaga iyon. May mga bagay na gusto mong tanungin, mga katanungang gusto mong magkaroon ng sagot. Ngunit ng makukuha mo na ang mga sagot, hindi mo pala kayang matanggap ito. Lalong - lalo na pag ito ay totoo.

Kailan kaya maghilom ang mga sugat na ito. Kailan kaya ako maka-ahun sa sakit na dulot ng katotohanan. Lahat nawala na sa akin. Ako'y walang-wala na. Paet at kirot ang nasa akin ngayon.

Kailan ko ba isusulat ang katotohan? Siguro pagdating ng panahon na handa ko nang harapin ito. :'(

No comments:

Post a Comment