Wednesday, May 19, 2010

kahibangan


Sakripisyo o pagpaparaya? Alin ang mas nararapat? Kelan ba dapat ipaglaban ang isang pag-ibig, at kelan ito kailangan pakawalan? Ano ang tamang hakbang para sagipin ang isang nalulunod na pag-ibig? Sa isang relasyon lang ba maaaring iparamdam ang iyong pagmamahal sa taong nagmamay-ari ng iyong puso? Paano kung pinili ng mahal mo na maging magkaibigan nalang kayo? Tama ba na itigil nalang ang kahibangang nararamdaman mo, o patuloy mong ipaparamdam sa kanya na mananatili ka sa likod nya… maghihintay sa araw na handa na cyang harapin ka?

Mahirap bang intindihin na may mga taong sadyang hindi takot mag-isa? - Kahit marunong silang magmahal at masaktan, kaya nilang tumayo ng mag-isa. Mahirap bang tanggapin kung ganun ang mahal mo? Kaya mo bang intindihin ang mahal mong hindi masalita sa kanyang tunay na nararamdaman? Paano nga ba intindihin ang mga ganitong klase ng tao? Tama ba na tumakbo ka sa iba para humanap ng sagot at magbakasakaling maiintindihan mo ang mahal mo sa pamamagitan nila? Hindi mo ba naiisip na kahit sino man ang takbuhan mo, hindi nila hawak ang utak at puso ng mahal mo,, ano man ang sabihin nila, HINDI pa rin nila masasagot ang mga tanong sa isip mo.. magdudulot lang ito ng maling interpretasyon sa mga taong makikitid ang utak na natakbuhan mo.. sa kabilang banda, bakit may mga taong halang ang kaluluwa para husgahan ang isang tao kahit hindi nila alam ang buong pangyayari? Hindi ba nila naiisip na mas pinapagulo lang nila ang situasyon?

ano nga ba ang sukatan para masabing karapat-dapat ka sa isang tao? Ano ang basehan ng “halaga” (worth) ng isang tao para sa minamahal nya? Dala ba ito ng katayuan nya sa buhay, o ang tndi ng nararamdaman nya? Kung isang bituwin ang tingin mo sa iyong minamahal, kaya mo bang gawin ang lahat para abutin cya, o hahayaan mo nalang manatili ka sa lupa at tingalain nalang cya?

Sapat bang sukatan ang iyong mga ginagawa para masabing higit kang nagmamahal? Pano kung hindi expressive ang mahal mo? Patas bang husgahan na higit kang nagmamahal dahil mas madali para sa iyo na iparamdam ang nararamdaman mo?

Bakit may mga taong hindi lubos na totoo sa kanilang sarili? Hindi ba masakit matuklasan na iba ang ipinaparating ng iyong mahal sa mga tao, kung ikukumpara sa nais nyang iparamdam sa iyo? Mahirap nga ba itong tanggapin, o kailangan nalang itong balewalain?

Paano mo nga ba malalaman kung nagsasabi ng totoo sa iyo ang taong kausap mo? Sapat na ba ang pagtitig lang sa kanyang mga mata, o kailangan pang tignan ang kanyang mga ginagawa?

Hanggang saan at hanggang kailan ba ang wagas ng pag-ibig ng isang tao? Paano ito malalaman? Paano ito masusukat? Sa pamamagitan ba ng mga salita? O sa pamamagitan ng mga ginagawa? Sa pamamagitan ba ng halaga? O sa pamamagitan ng kakayanang magparaya… magsakripisyo?

Paano malalaman ang tama sa mali? paano makawala sa isang kahapong bumaon sa iyong pagkatao? Paano magparamdam ng tunay na nararamdaman? Paano husgahan ang isang tao? Paano masasabi ang pagkakaiba ng katotohanan sa kalokohan?

Magulo ba? O sadyang katangahan lang?

May kanya-kanya tayong pananaw.. ano man ito, sapat na ba un upang maging sukatan ng ating pagkatao? Bakit hindi natin tanungin ang ating mga sarili? Bakit hindi muna natin husgahan ang ating mga sarili bago ang iba?

Ako lang si rae.. nag-iisip… nagtatanong… sa inyong lahat… PARA SA INYONG LAHAT...

No comments:

Post a Comment