Monday, April 08, 2013

Haplos



Tinitigan ko ang aninong nasa dilim
At nagsimulang mangilid ang aking mga luha
Ingay ng mga kuliglig ang sunod kong narinig
Tila binagsakan ako ng langit
Sa bigat ng pinapasan kong sakit
Gusto kong humagulgol
Ngunit pinili kong lumuha na lamang ng tahimik
Sa kapayapaan ng gabi ko ibubulong ang lahat
Ang kadiliman ang piping saksi sa aking pagtangis
Narinig ko ang malakas na ihip ng hangin
At naramdaman ko ang lamig na dulot nito
Ninais kong may yumakap sa akin
Subalit binitiwan ko na nga pala ang puso nya
At ngayon, nangungulila ako
Umaasang siya'y magbabalik
Dahil dito sa aking puso
May nakalaang lugar para sa kanyang pag-ibig.

2 comments:

  1. Anonymous7:56 PM

    huhuhuhu.....................

    ReplyDelete
  2. miss na miss na kita, 'lam mo ba?

    ReplyDelete