Wednesday, November 24, 2010

Hanggang dito na lang

Isa ako sa libu-libong taong nagpakatanga dahil sa pag-ibig. Isa ako sa mga umasa, lumuha at nasaktan. Hinayaan ko ang sarili kong mahalin ka nang walang hinihinging kapalit. Hinayaan kong masaktan ang sarili ko.
     Akala ko, mamahalin kita nang walang hanggan subalit napagod na ko. Labis na kong nasaktan dahil sa iyo… dahil sa pagmamahal na inalay ko.
      Ngayon, hindi na ko umaasang mamahalin mo o magkakaroon ng espasyo sa puso mo. Hindi ko na hinahangad na makasama ka at hindi ko na inaasam na mahagkan ka.
     Hanggang dito na lang ako… sa isang nakaraang pangarap na iibigin ka hanggang sa walang hanggan. Palalayain ko na ang sarili ko.

No comments:

Post a Comment